Waiting on the world to change...

Waiting on the world to change...
Live like there's no tomorrow..!

Sunday, August 8, 2010

Em Em Di-A

SA DAANANG PAGKA-SIKIP-SIKIP
MGA MALAKING TRAK, IKAW AY GINIGITGIT
MGA TSIKOT NA UMO-OVER TAKE
MOTORSIKLONG, AKALA MO’Y MAHUHULI SA DATE
NAGSISIHARUROT SA KALYE,
SA MGA TUMATAWID AY WALANG PAKE

BAKIT GANYAN KA MAMANG NAKA ASUL AT PULA
KESIMPLE-SIMPLENG BAGAY HINDI NYO NAPUPUNA.

KUNG SINO PA ANG WALANG KASALANAN
YUN PA ANG INYONG TINITIKETAN

BUMABABANG BUNTIS NA MAY KASAMANG JUNAKIS
TAMA BA NA ANG DRAYBER AY INYONG MADALIIN,
PAANO NA LANG KUNG ANG PAA NG BATA’Y MABITIN??
ANG TRAHEDYA BA’Y INYONG AAKUIN??

NAIINTINDIHAN NYO BA ANG KARAPATANG PAN-TAO??
IHIWALAY NYO ITO SA BATAS TRAPIKO.

AYAW KONG MAG-MAGALING DITO
NGUNIT MAS MABUTI PA NGA TALAGANG
GAMITIN ANG STOPLIGHT KESA SA INYO.

DAHIL GINAGAWA NYONG MALAKING GARAHE ANG DAANAN,
PARA KAYONG GUMAGAWA NG ISANG MALAKING BILIHAN NG MGA SASAKYAN.

AT KUNG IISIPIN NGA RIN..
NAPAKAHIRAP NYONG ESPELENGIN
GUSTO NINYO GANITO, GUSTO NINYO GANYAN..
KAYA KARAMIHA’Y NILALABAG NA LAMANG ANG BATAS SA DAAN
TUTAL E GANON DIN NAMAN..

AT SOBRA DIN KAYONG MAG TICKET,
MGA DRAYBER AY SYA NYONG GINIGIPET,
NA NAPUPUNTA LANG NAMAN SA INYONG DALANG WALLET.

No comments:

Post a Comment